Isa sa mga ayaw kong gawin ay sumakay ng MRT sa Cubao station sa umaga. Kaya nga maswerte ako at nakatira ako sa Maynila na sobrang lapit sa aking opisina.
Ngunit hindi ko din ito naiwasan ng ako'y napilitan matulog sa bahay ng kapatid ko ng lunes ng gabi. Yung over cute kong pamangkin na si Himalaya ay ayaw ako pauwiin. Sino ba naman makakatangi kapag sinabihan ka ng "huwag kang uuwi sa inyo" sabay yakap.
Dahil mahirap kumuha ng taxi kapag rush hour sa lugar ng kapatid ko papasok ng opisina, siniguro ko na ako'y gigising ng maaga para makasakay sa MRT. Inihahanda ko na ang aking sarili sa tadhanang hindi ko maaring iwasan na lubos kong kinakatakutan.
May choice naman talaga ako eh. Ma-late or sumakay ng MRT. Hindi na ako pwedeng ma-late. Baka wala na akong sweldo sa susunod na buwan.
Umalis ako ng bahay ng kapatid ko ng 7:30 ng umaga. Nakarating ako sa station ng 7:40am. Ito na ang umpisa ng aking kinakatakutan. Pumila ako para bumili ng ticket. Hindi gumagalaw ang linya. Hindi sila nag bebenta. Tumitingin ako sa mga taong nakapila papasok ng station. Hindi din sila gumagalaw. Habang tumatagal, padami-ng padami ang nakapapila. Hindi ko na rin masulyapan ang dulo ng linya. Kinakabahan ako. Naiinip. Iniisip ko lang ay, "sana magbenta na sila ng ticket. Gusto ko lang makapila sa kabilang linya papasok." Naghintay ako ng 20minutos nang nag-announce na pwede na magpapasok. Nagsimula na din silang magbenta ng ticket.
Pagka bili ko ng ticket, agad na hinanap ko ang dulo ng linya papasok ng station. Hindi ko makita. Ang layo. Ang haba. Nakaka-tense!
Nahanap ko ang dulo ng pila. Mabait ang tadhana, gumagalaw ang pila. Agad-agad kong nalagpasan ang guards at naka pasok sa loob ng station.
Sumakay ako sa eskalator... kinakabahan ako. Nagugunita ko na na napakadami ng tao at mahihirapan ulit ako pumasok sa train.
Nagtiyaga ako. Naghanap ng puwesto. Ang back-pack ko nasa harap, yakap ko. Nakita ko may train na padating. Alam ko na impossible para sa akin makasakay. Ang dami kasing tao. Hindi ako gumalaw. Nang humito ang train at bumukas ang pinto, agad agad na nagsipasukan ang tao. Nagtulakan, nagsiksikan. Ako nasa gitna nilang lahat. Wala akong ginagaw. Dahil sobra silang nagtutulakan ay napunta ako sa gitna ng walang ginagawa.
Nang umalis ang unang train na naabutan ko, pagkatapos ng ilang minuto ay may dumating ulit ang isa pang train. Natulak na naman ako ng tao. Parang alon na nagmamadaling bumagsak sa tubig. Napunta ako sa harap ng walang ginagawa.
Pagkatapos ng ilang minuto dumating na ulit ang susunod na train. Eh dahil nasaharap na ako, sigurado ako na makakasakay na ako. Tama nga ang aking hinala. Nakasakay ako ng train. Nakapasok ulit ako ng walang ginagawa -- tinulak lang nila ako ulit.
----------------------------
This note was first drafted last November 11, 2008. I didn't finish writing it though ... I totally forgot about this post until tonight. All i added was the last paragraph, which seems to be an abrupt ending.
No comments:
Post a Comment